MENU

BY: CAMILLE C. NAGANO (PHILIPPINE INFORMATION AGENCY)

Thursday 31st of October 2013


TALAVERA, Nueva Ecija Oktubre 31 (PIA) -- Magtatayo ang Philippine National Oil Company-Renewables Corporation (PNOC-RC) ng isang hydroelectric power plant sa mga irigasyon ng National Irrigation Administration sa lungsod ng Muñoz, Nueva Ecija.

Ayon kay PNOC-RC President at Chief Executive Officer Carlos Jose Gatmaitan, sisimulang itayo ang planta sa Super Diversion Canal Lateral C sa barangay Rizal sa huling bahagi ng 2014 at ito ay inaasahang makakaliha ng 500 kilowatts na enerhiya.

Napili aniya nila ang lalawigan dahil sa maganda ang demand ng kuryente, daloy ng tubig sa mga patubig, at isa ang Nueva Ecija II (NEECO II) Area 1 Electric Cooperative sa mga pinakamahusay na kooperatiba ng pagpapailaw sa bansa.

Oras na makumpleto, inaasahang bababa ng hanggang sampung porsyento ang singgil sa kuryente sa Muñoz, at mga bayan ng Talavera, Aliaga, Quezon, Licab, Sto. Domingo, Lupao, Carranglan, Guimba, at Talugtug.

Sa ngayon, mayroong humugit kumulang na 25 megawatts na kapasidad ang NEECO II Area 1 na nagpapaliwanag  sa mahigit isandaang libong member- konsyumer. (CLJD/CCN-PIA 3)

This article originally appeared here